And We’ll Never Be Royals

“Rachel, Tara sabay na tayong umuwi. Hatid na kita. “ Pag aaya nang mayaman kong kaklase na si Michee.

“Ah.. Ehh.. Kasi Mich.. Nakaka– “

Di na nya ako pinatapos sa pagsasalita dahil bigla nalang nya akong hinatak papunta sa kotse nya at pinasakay.

Ang swerte talaga nya dahil pinanganak syang mayaman. Hatid sundo lang sya ng Family Driver nila.

“San nga pala yung sa inyo Rachel?”

“Ahh.. Dun nalang ako bababa malapit sa tindahan ni Aling Pasing.” Sagot ko naman sa kanya.

“Oh, Manong Eric! Narinig mo yun ha? Dun nalang daw bababa si Rachel malapit sa tindahan ni Aling Pasing!”

“Yes Mam.”

Kung katulad lang sana kami ng estado nang pamumuhay ni Michee. Di siguro ako nahihirapan nang ganito.

Ako nga pala si Rachel De Guzman. 16 taong gulang. Sa murang edad kong ‘to, Marami na akong naranasan. Ako na kasi ang bumubuhay sa nanay at tatay ko. Kasi simula nung naputulan nang paa yung tatay ko dahil dun sa dati nyang trabaho, Wala nang nagtatrabaho sa pamilya namin. Ang nanay ko kasi, Bulag kaya ako nalang ang nag hanap buhay para sa kanilang dalawa. Ako lang ang nag iisang anak nila kaya ako lang ang nag aalaga at nagpapakain sa kanila. Lahat na nang trabaho sinubukan ko. Mga Iba’t ibang raket nasubukan ko narin. pero napapagod na ko eh. Sabayan mo pa yung point na nag aaral pa ako. Ang sarap na ngang tumigil kaso papagalitan lang ako nang nanay.

“Sige Michee. Salamat sa hatid.” Pasalamat ko kay Michee habang pababa ako sa kotse nila.

“Sus Walang anuman yun Rachel! What are friends for diba? “

Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Habang naglalakad ako pauwi, Nakasalubong ko si Diday. Kilala sya dito samin dahil sa pagiging raketera nya. Dito nga ako palaging lumalapit pag sobrang nagigipit ako.

“Oh, Rachel .. kumusta na? Anong pinagkakaabalahan natin ngayon?” Sabay sindi sa sigarilyo nya.

“Wala nga eh.. Oy Diday, May bago kabang raket ngayon? Isama mo naman ako oh.. ” Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan ko pa kasing bumili nang gamot para kay tatay kasi nagka trangkaso sya nito lang mga nakaraang araw.

“Mmm.. Oo meron, Isasama ka namin mamayang gabi ha?”

Bigla naman akong nabuhayan nang loob. May panibagong raket na naman ako. At dahil sa sobrang saya ko eh nayakap ko bigla si Diday. Halata naman yung pagkagulat nya sa ginawa ko.

“Oh. Easy lang bata. Ay, Teka muna, wag mong kalimutang mag ayos mamaya ha?”

Mag ayos? Siguro, may mangangailangan nang extra waitress dun sa restaurant na malapit dito kaya kailangang nakaayos. Jackpot!

“Oh sige ba. Anong oras at san tayo magkikita? “

“Dito nalang din tayo magkita. Mga bandang alas 10. Okay ba sayo yun?”

“Oo naman. Kahit anong oras payan pupunta ako. “

Ngumiti nalang din sakin si Diday at nilagpasan na ako. Umuwi na kagad ako nang bahay pagkatapos nun.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sa kwarto na mahimbing na natutulog si Nanay at Tatay. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko sila.

Kung mayaman lang sana kami. Di na siguro kami NAGHIHIRAP nang ganito ngayon.

Pag patak ng alas 10 ng gabi, Nagsimula na akong maglakad papunta sa tagpuan namin ni Diday. Madilim na madilim na nung mga oras na yun. Tulog na yata lahat ng mga tao. Ang dilim dilim. Hanggang sa maaninag ko na si Diday at ang mga kasama nya. Nakita nya ko. Pero, Dali dali naman nya akong hinablot papalayo sa mga kasamahan nya.

“Rachel naman! Diba sabi ko mag ayos ka?”

“Nag ayos naman ako ah? Kita mo nga tong suot ko oh? Pormal! Di tulad nang suot mong halos lumabas na yung kaluluwa..”

“NAKO! RACHEL! Ewan ko sayo!”

Tapos hinila nya naman ako at pinakilala sa isa pa nyang kasamahan.

“Oh , Tekla ayusan mo yan. Nako. Nakakahighblood!” Pagkatapos nun ay iniwan na nya ko sa babaeng to na makapal ang makeup.

“Oh, Diba ikaw si Rachel? Maganda ka pa naman. Siguradong madami kang maloloko ngayong gabi.” Sabay lagay ng pulbo sa mukha ko.

“Huh? Maloloko? Anong ibig mong sabihin?

Di na sya sumagot. Nagpatuloy na sya sa ginagawa nya sa’kin. Masama na talaga ang kutob ko na di na ito tama. Binihisan na nya ako ng damit na kita na halos tong dibdib ko. Di na talaga ‘to tama.

Aalis na sana ako nang biglang may pumigil sa’kin. Tiningnan ko kung sino, Si Diday pala.

“Oh? Ngayon kapa aatras? Malaki kikitain mo dito. “ Pag pipigil nyang sabi.

“Mali tong ginagawa natin Diday!”

“Wala ka pa ngang ginagawa! Nako Rachel! Tandaan mo! Kung di mo to gagawin, Wala kayong kakainin ng pamilya mo bukas! Simple lang naman ang gagawin mo eh! Mag tatawag ako nang costumer , ibibigay ko yun sayo tapos akitin mo, at nakawan mo pagkatapos !

Napatigil ako. Makakaya ko ya ‘tong gawin? Ilegal ‘tong trabahong to.Pero iniisip ko parin sila Nanay at Tatay. Kailangan ko pang bumili nang gamot.

Naghihintay lang ng sagot sakin si Diday.

“Oo na, gagawin ko nayan. “

Pagkalipas nang ilang araw, Masasabi ko talaga na malaki din ang naitulong sakin ng raket ko gabi gabi. Di tulad noon na ngayon, nakakakain na kami tatlong beses sa isang araw.

Pero natigil lahat nang yon nung isang gabi.

Madaling araw na kasi akong nakauwi sa bahay. Di ko inasahang naghihintay pala sakin ang bulag kong Nanay.

“Nay..” Tawag ko sa kanya.

Pero bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Nak.. Bakit yan ang napili mong trabaho? Bakit? “

“Nay.. “

Nangingilid narin ang mga luha sa mata ko. Nalaman na pala ni Nanay ang trabaho ko.

Pilit kong hinahawakan ang mga kamay nya pero inaalis lang nya ito.

Nang bigla nya kong sinampal.

Masakit. Di dahil sa sampal sa pisngi kundi sa puso. Masakit dahil nasampal ka nang ‘yong ina na wala ka namang ibang inisip kundi sila. Na sila ang dahilan ng pagtatrabaho mo ng ilegal. Na sila ang dahilan kung bakit ka nagsisikap nang ganito.

“Nay! Di nyo ba naisip na kayo lang palagi ni Tatay ang iniisip ko? Na namomoblema ako palagi kapag wala tayong makain? Nay naman sana maintindihan nyo ko! Mahal ko lang kayo kaya nakagawa ako ng ganito!”

“Oo, anak! Ikaw nga ang bumubuhay samin ngayon, Patawad dahil imbis na kami nang tatay mo ang naghahanapbuhay para itaguyod ka eh kami na tuloy ang binubuhay mo. Pero Rachel! Di ka namin tinuruan na gumawa nang masama! Oo! Mahirap nga tayo! Wala tayong mga kayamanan katulad nang iba jan pero may dignidad tayo! Anak tandaan mo yan!”

Tuloy tuloy parin ang pag agos nang mga luha sa mga mata ni Nanay. Ganun din ako. Di ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako. Ako payung gumagawa nang paraan, Ako pa yung nagmumukhang may kasalanan.

“Aalis nalang ako dito! Di nyo naman ako maiintindihan! Kayo lang naman ang iniisip ko! Kaya ko yun nagawa! Pero sa tingin nyo ba Masisisi nyo ko? Kung nasa sitwasyon ko kayo. Makakaisip pa kaya kayo nang matino?!”

Ayoko na. Gusto ko nang umalis sa bahay na to. Pagkatapos kong magtrabaho para sa kanila? Ganyan lang ang isusukli nila sa’kin?!

“Anak.. Patawarin mo ang nanay kung napagsalitaan kita.. Kapakanan mo lang—“

“Bahala na nga kayo sa mga buhay nyo! Lecheng buhay naman to ohh! Bakit pa ba naging magulang ko kayo!

Tuluyan na nga akong umalis sa bahay na yon.

Nasaktan lang talaga ako sa mga pangyayari kanina. Nasaktan talaga ako nang sobra. Ayoko nang mabuhay pa .

Lumipas ang mga araw mula nung lumayas ako sa amin. Nakikitira lang ako sa bahay ni Tekla. Malapit sa barangay namin.

Nakakaramdam ako ng konsensya sa twing naaalala ko yung mga pangyayaring yun.

Nagtratrabaho parin ako kay Diday gabi gabi. Napagdesisyunan ko na rin na huminto sa pag aaral.

Eto ako ngayon sa sala. Namamahinga habang nanonood ng tv, nang biglang pumasok si Tekla.

“Rachel!! May dapat kang malaman!!”

Makikita mo sa mukha nya ang sobrang pagaalala. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Bakit? Anong meron?? Ma- may masa- masama b-bang nangyari??”

Pautal kong tanong kay Tekla. Kinakabahan ako.

“Nasunog ang bahay nyo kagabi Rachel!”

Napahinto ang paghinga ko nang ilang sandali.

Di ko na namalayang nagtatatakbo na pala ako pauwi samin. Gusto kong makita sila Nanay at Tatay, gusto kong malaman kung okay lang ba sila, kung nakaligtas ba sila kagabi.

Pero..

Huli na pala ako.

Nakita ko si Nanay at Tatay. Nakabalot nang puting tela. at wala nang buhay.

Lumapit sa’kin si Tekla.

“Rachel, nasama sila sa sunog kagabi kasi nasa ikalawang palapag pala ang kwarto nila.. kumalat na kasi ang apoy sa ibabang parte nang bahay nyo kaya di na sila nakalabas..”

At dun. Bumuhos ang mga luha ko. Umiyak ako nang umiyak. Sumigaw ako sa abot nang makakaya ko. Di ko matanggap ang nangyari sa kanilang dalawa. Na ang mga magulang ko. Wala na sila. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Nagsisisi ako dahil naglayas ako at iniwan ko sila. Di ko inakala na hahantong sa ganitong pangyayari ang buhay namin. Isa talaga akong makasalanang tao. Wala na akong karapatang mabuhay pa dito. Sarili kong mga magulang, pinabayaan ko. Wala akong kwenta.. Wala..

~fin

This Short Story is inspired from the song “Royals” by Lorde.

Β©All Rights Reserved.

Advertisements

Biktima

Sinaksak.
Sinugatan.
Sinaktan.
Binaon.
Binaon sa limot ang nakaraan.
Nakaraan natin na kung saan,
Ikaw at ako, ako at ikaw lang
Ang tangi nating alam.
Biktima ako ng matatamis mong salita.
Agad namang pinalitan ng balde-baldeng luha.
Ilang pamunas ang nasayang,
Nang dahil lang sa pag-ibig kong sinayang lang
Ilang gabing iniyakan, sa di malamang dahilan
Bigla kang nawala ng di ko namalayan,
Iniwan mo’ko ng walang paalam.

Lumipas ang araw, buwan, at taon.
Akala koy nilimot narin ng kahapon,
Ang isang bagay na akala kong wala ng halaga,
Magkakahalaga pa pala ng makita ulit kita.
Nakita nga kita.
Nakita kita na may kasamang iba.
Pinikit ko ang aking mga mata,
Kasabay ng pagpikit nito ang unti-unting paghina ng aking sistema
Ramdam ko ang sakit.
Sakit na parang paulit-ulit kang sinasaksak at sinasampal sa katotohanang wala na, wala na talagang pag-asa pa.

Pilitin ko mang kalimutan lahat gaya ng dagliang paglimot mo
Di ko magawa dahil nag iwan ka ng alaala sa puso ko.
Alaala nating dalawa na magkasama,
Alaala na bumabalik sa twing nakikita kita.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Mas pipiliin kong landas nati’y di nalang magtagpo.
Pipiliin kong baguhin ang takbo ng aking mundo,
Nang sa ganon, di ako masasaktan ng ganito.

Sinaksak. Sinugatan. Binaon.
BINAON MO sa limot ang matamis nating kahapon.

Summer Ender Playlist!☺

tumblr_mhaey5sfir1s3zgrwo1_500

“Headphones on. World off.”

It’s my first time to share this thing dito kaya pagbigyan nyo na’ko ha?Β πŸ˜‚ Lol Since wala naman akong ibang magawa sa bahay ngayon, puro tambay nalang ako ng tambay! Palagi pa kong pinapagalitan ni mama! Ughh nakakasura na kaya 😭 joke lang. πŸ˜‚Tapos malapit na matapos yung bakasyon na wala man lang ka enjoy-enjoy na nangyari sa summer ko kaya mag shi-share nalang ako ng current playlist ko ngayon. Lol πŸ˜‚

Β 


Jhea’s Summer-Ender Playlist!

image

image

image

image

image

image

My playlist compose of 22 songs. Pero sa lahat ng mga kantang ‘to ay may mga favorite talaga ako. Yung palagi ko talagang inuulit ng play sa phone ko. Yung kantang nagpapa-LSS sakin pag naririnig ko.

Ano pang purpose ng ginawa kong playlist?! Haha πŸ˜‚

So heto na nga, I have my Top 6 LSS Songs na palagi ko talagang pinakikinggan ng paulit-ulit dito sa playlist ko.

Pati ako, paulit-ulit na rin πŸ˜‚

So eto na nga, ang pang sixth saΒ list ayΒ Say It Again by Marie DΓ¬gby! 😍 I think nung Saturday, or Sunday ko na download tong song nato dahil kay Alden! Haha yes. πŸ˜‚ ka title kasi ng bago nyang nire-record na kanta ‘tong song na’to at may nakapagsabi sakin na revision ng kanta ni Marie Digby daw yung bago nyang song na ni-re-record kaya I search for it! πŸ˜‚ And then I figured out na di pala totoo. Lol πŸ˜‚ Yun nga, I tried to listen to the song and then di ko namalayan na paulit-ulit ko na pala syang pinakikinggan. As in nakakatomboy yung boses nya, grabe! 😍 tapos ang ganda pa nung beat ng song. πŸ’•

● Favorite Line/Verse of the Song:

Say it again for me,Β It’s like the whole world stops to listen when you tell me you’re in love..Β πŸ’•

Ang pang fifth namanΒ sa aking Top 6 LSS Songs ay ang Stay na cover ni Kristel Fulgar 😍 grabe naman talaga yung feels at emotions na binuhos niya dun sa kanta. Kahit cover lang sya, binigyan talaga nya ng hustisya yung song 😭 tapos nagiging emotional pa’ko sometimes kapag naririnig ko sya 😭 Naalala ko kasi si.. charot lang (naging conyo ng burberry light πŸ˜‚)

● Favorite Line of the Song:

And now, I must move on.. trying to forget all the memories of you and me,
But I cant let go of your love that has taught me.. to hold on. πŸ’”

At ang pang fourth naman sa list ko ay ang song na Mirrors ni Justin Timberlake. Eeeeeh kasi naman! 😍 Kinilig kashe ako nung kinanta ‘to ni Alden kay Maine sa mismong birthday ni Maine! 😍 at kahit nung March 5 pa yun, hanggang ngayon di parin ako maka move on sa kantang to. 😭

● Favorite Line of the Song:

I don’t wanna lose you now, I’m looking right at the other half of me, the vacancy that sat in my heart is a space that now you hold.. πŸ’•

And the third on my list is (biglang nag english eh πŸ˜‚) Imahinasyon by Tj Monterde. Isa din tong kantang ‘to! 😍 kinilig ako ng super sa music video! Kahit alam kong taken na si Tj, 9in real life, sya kasi yung bida din sa sarili nyang MV) still yung chemistry nila ni Riva (bidang babae naman sa MV) di ko talaga na keri teh! Sobrang bagay nila 😍 feeling ko kapag pinakikinggan ko’tong song na ‘to, inlove na inlove ako kahit wala naman akong lovelife πŸ˜‚

● Favorite Line/Verse of the Song:

Gustong gusto kita, ba’t ba di mo makita? Na iniibig ka sa puso salita’t gawa, kailan ba may tayong dalawa?

At ang pang second! 7 Years by Lukas Graham. Actually, last last month ko lang syang dinownload dito sa phone ko. At last last month narin akong nakikinig sa kantang to! Di naman kasi nakakasawa yung song. Kahit paulit ulit mong pakinggan, pakikinggan at pakikinggan mo parin to dahil sa ganda ng message ng kanta. Its about Him (the singer) and his relationship with his parents. Na para bang kinikwento nya yung buhay nya. At ngayon na mature na sya ay di parin nya kinakalimutan yung mga advices na binigay ng parents nya sa kanya. (Haha eh yan ang pagkakaintindi ko sa song eh)

● Favorite Line/Verse of the Song:

I only see my goals, I don’t believe in failure,
‘Cause I know the smallest voices, they can make it major.. ☺

And eto na nga ang pinaka nangungunang kanta sa Top 6 Songs na pinaka na LSS ako ay.. tenteneeeen! Shing shing shung shang sheng! *drum rolls*

Isang Araw by Kaye Cal! 😍 Yes! Top 1 ko sya! 😍 Ang ganda din ng music video ne’to, samahan mo pa ng gwapong Kaye Cal, *sabog ovaries* de joke lang πŸ˜‚ Kikiligin ka, at the same time, magiging emosyonal ka. Feel ko kasi, story talaga ni Kaye yung nasa MV eh. Kaya siguro feel na feel nya talaga yung kanta. 😭 At maganda talaga ang naging result dun sa MV. Mapapa THREE thumbs up ka talaga. Yung tipong maghahanap ka pa ng ibang thumb para makumpleto yung two thumbs up mo dun sa video πŸ‘πŸ‘πŸ‘

● Favorite Line/Verse of the Song:

Ngunit ngayon ikaw ay nasa piling nya, at ngayon ako ay nagsisisi na..
Ngunit walang magawa, kundi ang humiling nalang na sana,
O, Dios ko.. Isang araw lang ang hinihiling ko, isang araw lang naman
Oh pagbigyan mo na ako, ibigay mo na sakin to, nang maramdaman muli na mahal parin kita.. πŸ’”