IMG_20180404_210358_171-1Nagising ako sa maingay kong paligid. Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit batid kong gising narin lahat ng tao sa bahay at kailangan ko na ring bumangon. Lumabas ako ng kwarto at pumwesto sa may veranda habang iniinom ang mainit kong kape. Nakatingin lang ako sa kawalan, at iniisip ko parin ang napanaginipan ko kagabi. May bahid parin ng panghihinayang sa aking sarili kung bakit maaga akong nagising. Bakit parang totoo? Kinikilabutan parin ako. Isa lang naman iyong panaginip ngunit hindi ako mapakali, naghuhuramentado ang aking sistema. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang kanyang mainit na paghaplos at pagyapos sa aking mga kamay; ang kanyang mga ngiti na para bang nakalaan lang para sa akin ang mga ngiting iyon; ang mga yakap sa kanyang bisig na matagal ko ng inulila mula sa kanya, ang kanyang mga mata na walang bahid ng kalungkutan ang iyong makikita. Bakit parang ayoko ng matapos ang mga sandaling iyon? Sumisikip lang lalo ang dibdib ko. Masaya siya, at masaya din ako pero kailanma’y hindi magiging pwede ito.

Matagal ng tapos at matagal ng wala ang ugnayan naming dalawa. Masaya na sya sa buhay nya ngayon, at ganun din ako—kaya dapat ko nang itigil ang ilusyong ito. Dahil ang isang panaginip ay mananatiling panaginip lamang.

Panaginip, Jæh | 2017

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s