Nawalang Unang Pag-ibig

Naaaliw ako sa mga bulang nagliliparan sa ere
Naaaliw ako sa mga bulang nakikita kong sumasayaw kasabay ng malamig na ihip ng hangin
Napakagandang pagmasdan ng mga bulang nagmimistulang bahaghari ang kulay dahil sa nasisinagan ito ng araw
Sa sayang idinulot ng mga bulang iyon sa’king mga mata ay kaagad namang napawi.
Napawi, ng di ko nalamayan.

Parang ikaw.
Ikaw na bulang di ko namalayang nabuo, di ko namalayang unti-unti nakong pinapasaya at dahan dahang pinapawi ang lungkot dito sa puso ko.
Oo, ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kaunting ligaya sa buhay ko. Pinasaya mo ko pero sa isang iglap lang, Sa isang pitik lang ng daliri ko, bigla kang naglaho.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong nagpabalik-balik sa mga katagang “kaya pa” at “makakaya pa nating magkasama”
Ilang beses na nga ba akong kumapit sa salitang may magbabago pa?
Ilang beses nang nagbakasakaling hindi pa huli ang lahat
Para sa’yo, sa akin, sa tayo.
Pero ganito yata ang takbo ng tadhana nating dalawa
Ang iwanan nalang ang isa’t-isa

Siguro huli na nga ang lahat
Alam ko namang hindi rin sapat,
Ang mga pangakong binitawan,
Ang pag-ibig na inilaan,
Ang mga ala-alang nagmarka na sa puso’t isipan
Pero, mahal sa paglaho mo’y sana maglaho narin ang nararamdaman ko.
Sana ganun lang kadali,
Pero hindi.
Bakit ba hindi?

Bakit nga ba hindi?
Kung may gamot lang sa paglimot ng mga ala-alang nagbakas
Matagal na sana akong nakatakas,
Sa sakit, pait at lungkot
Na sa aki’y bumihag at dumukot.

Bakit nga ba wala?
Wala akong makitang rason kung pano ka bitawan
Kahit alam kong matagal mo na kong sinukuan at kinalimutan
Iniwan mo na nga akong sugatan
Pero bakit gusto ko pa ring lumaban?

Lumaban at sumubok muli
Lumaban at magpakatangang muli
Titiisin kahit anong hapdi
Bumalik ka lang sa aking tabi

Pero siguro nga masyado lang akong nabulag sa ideya ng unang pag-ibig.
Ang buhay kong nawala sa ritmo at himig
Pilit ko nang hinahanapan ulit ng tono
upang makabalik sa kumpas
na bubuhay sa sawi kong bukas

(reposting this cos wala lang haha)

August, 2016

And We’ll Never Be Royals

“Rachel, Tara sabay na tayong umuwi. Hatid na kita. “ Pag aaya nang mayaman kong kaklase na si Michee.

“Ah.. Ehh.. Kasi Mich.. Nakaka– “

Di na nya ako pinatapos sa pagsasalita dahil bigla nalang nya akong hinatak papunta sa kotse nya at pinasakay.

Ang swerte talaga nya dahil pinanganak syang mayaman. Hatid sundo lang sya ng Family Driver nila.

“San nga pala yung sa inyo Rachel?”

“Ahh.. Dun nalang ako bababa malapit sa tindahan ni Aling Pasing.” Sagot ko naman sa kanya.

“Oh, Manong Eric! Narinig mo yun ha? Dun nalang daw bababa si Rachel malapit sa tindahan ni Aling Pasing!”

“Yes Mam.”

Kung katulad lang sana kami ng estado nang pamumuhay ni Michee. Di siguro ako nahihirapan nang ganito.

Ako nga pala si Rachel De Guzman. 16 taong gulang. Sa murang edad kong ‘to, Marami na akong naranasan. Ako na kasi ang bumubuhay sa nanay at tatay ko. Kasi simula nung naputulan nang paa yung tatay ko dahil dun sa dati nyang trabaho, Wala nang nagtatrabaho sa pamilya namin. Ang nanay ko kasi, Bulag kaya ako nalang ang nag hanap buhay para sa kanilang dalawa. Ako lang ang nag iisang anak nila kaya ako lang ang nag aalaga at nagpapakain sa kanila. Lahat na nang trabaho sinubukan ko. Mga Iba’t ibang raket nasubukan ko narin. pero napapagod na ko eh. Sabayan mo pa yung point na nag aaral pa ako. Ang sarap na ngang tumigil kaso papagalitan lang ako nang nanay.

“Sige Michee. Salamat sa hatid.” Pasalamat ko kay Michee habang pababa ako sa kotse nila.

“Sus Walang anuman yun Rachel! What are friends for diba? “

Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Habang naglalakad ako pauwi, Nakasalubong ko si Diday. Kilala sya dito samin dahil sa pagiging raketera nya. Dito nga ako palaging lumalapit pag sobrang nagigipit ako.

“Oh, Rachel .. kumusta na? Anong pinagkakaabalahan natin ngayon?” Sabay sindi sa sigarilyo nya.

“Wala nga eh.. Oy Diday, May bago kabang raket ngayon? Isama mo naman ako oh.. ” Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan ko pa kasing bumili nang gamot para kay tatay kasi nagka trangkaso sya nito lang mga nakaraang araw.

“Mmm.. Oo meron, Isasama ka namin mamayang gabi ha?”

Bigla naman akong nabuhayan nang loob. May panibagong raket na naman ako. At dahil sa sobrang saya ko eh nayakap ko bigla si Diday. Halata naman yung pagkagulat nya sa ginawa ko.

“Oh. Easy lang bata. Ay, Teka muna, wag mong kalimutang mag ayos mamaya ha?”

Mag ayos? Siguro, may mangangailangan nang extra waitress dun sa restaurant na malapit dito kaya kailangang nakaayos. Jackpot!

“Oh sige ba. Anong oras at san tayo magkikita? “

“Dito nalang din tayo magkita. Mga bandang alas 10. Okay ba sayo yun?”

“Oo naman. Kahit anong oras payan pupunta ako. “

Ngumiti nalang din sakin si Diday at nilagpasan na ako. Umuwi na kagad ako nang bahay pagkatapos nun.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sa kwarto na mahimbing na natutulog si Nanay at Tatay. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko sila.

Kung mayaman lang sana kami. Di na siguro kami NAGHIHIRAP nang ganito ngayon.

Pag patak ng alas 10 ng gabi, Nagsimula na akong maglakad papunta sa tagpuan namin ni Diday. Madilim na madilim na nung mga oras na yun. Tulog na yata lahat ng mga tao. Ang dilim dilim. Hanggang sa maaninag ko na si Diday at ang mga kasama nya. Nakita nya ko. Pero, Dali dali naman nya akong hinablot papalayo sa mga kasamahan nya.

“Rachel naman! Diba sabi ko mag ayos ka?”

“Nag ayos naman ako ah? Kita mo nga tong suot ko oh? Pormal! Di tulad nang suot mong halos lumabas na yung kaluluwa..”

“NAKO! RACHEL! Ewan ko sayo!”

Tapos hinila nya naman ako at pinakilala sa isa pa nyang kasamahan.

“Oh , Tekla ayusan mo yan. Nako. Nakakahighblood!” Pagkatapos nun ay iniwan na nya ko sa babaeng to na makapal ang makeup.

“Oh, Diba ikaw si Rachel? Maganda ka pa naman. Siguradong madami kang maloloko ngayong gabi.” Sabay lagay ng pulbo sa mukha ko.

“Huh? Maloloko? Anong ibig mong sabihin?

Di na sya sumagot. Nagpatuloy na sya sa ginagawa nya sa’kin. Masama na talaga ang kutob ko na di na ito tama. Binihisan na nya ako ng damit na kita na halos tong dibdib ko. Di na talaga ‘to tama.

Aalis na sana ako nang biglang may pumigil sa’kin. Tiningnan ko kung sino, Si Diday pala.

“Oh? Ngayon kapa aatras? Malaki kikitain mo dito. “ Pag pipigil nyang sabi.

“Mali tong ginagawa natin Diday!”

“Wala ka pa ngang ginagawa! Nako Rachel! Tandaan mo! Kung di mo to gagawin, Wala kayong kakainin ng pamilya mo bukas! Simple lang naman ang gagawin mo eh! Mag tatawag ako nang costumer , ibibigay ko yun sayo tapos akitin mo, at nakawan mo pagkatapos !

Napatigil ako. Makakaya ko ya ‘tong gawin? Ilegal ‘tong trabahong to.Pero iniisip ko parin sila Nanay at Tatay. Kailangan ko pang bumili nang gamot.

Naghihintay lang ng sagot sakin si Diday.

“Oo na, gagawin ko nayan. “

Pagkalipas nang ilang araw, Masasabi ko talaga na malaki din ang naitulong sakin ng raket ko gabi gabi. Di tulad noon na ngayon, nakakakain na kami tatlong beses sa isang araw.

Pero natigil lahat nang yon nung isang gabi.

Madaling araw na kasi akong nakauwi sa bahay. Di ko inasahang naghihintay pala sakin ang bulag kong Nanay.

“Nay..” Tawag ko sa kanya.

Pero bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Nak.. Bakit yan ang napili mong trabaho? Bakit? “

“Nay.. “

Nangingilid narin ang mga luha sa mata ko. Nalaman na pala ni Nanay ang trabaho ko.

Pilit kong hinahawakan ang mga kamay nya pero inaalis lang nya ito.

Nang bigla nya kong sinampal.

Masakit. Di dahil sa sampal sa pisngi kundi sa puso. Masakit dahil nasampal ka nang ‘yong ina na wala ka namang ibang inisip kundi sila. Na sila ang dahilan ng pagtatrabaho mo ng ilegal. Na sila ang dahilan kung bakit ka nagsisikap nang ganito.

“Nay! Di nyo ba naisip na kayo lang palagi ni Tatay ang iniisip ko? Na namomoblema ako palagi kapag wala tayong makain? Nay naman sana maintindihan nyo ko! Mahal ko lang kayo kaya nakagawa ako ng ganito!”

“Oo, anak! Ikaw nga ang bumubuhay samin ngayon, Patawad dahil imbis na kami nang tatay mo ang naghahanapbuhay para itaguyod ka eh kami na tuloy ang binubuhay mo. Pero Rachel! Di ka namin tinuruan na gumawa nang masama! Oo! Mahirap nga tayo! Wala tayong mga kayamanan katulad nang iba jan pero may dignidad tayo! Anak tandaan mo yan!”

Tuloy tuloy parin ang pag agos nang mga luha sa mga mata ni Nanay. Ganun din ako. Di ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako. Ako payung gumagawa nang paraan, Ako pa yung nagmumukhang may kasalanan.

“Aalis nalang ako dito! Di nyo naman ako maiintindihan! Kayo lang naman ang iniisip ko! Kaya ko yun nagawa! Pero sa tingin nyo ba Masisisi nyo ko? Kung nasa sitwasyon ko kayo. Makakaisip pa kaya kayo nang matino?!”

Ayoko na. Gusto ko nang umalis sa bahay na to. Pagkatapos kong magtrabaho para sa kanila? Ganyan lang ang isusukli nila sa’kin?!

“Anak.. Patawarin mo ang nanay kung napagsalitaan kita.. Kapakanan mo lang—“

“Bahala na nga kayo sa mga buhay nyo! Lecheng buhay naman to ohh! Bakit pa ba naging magulang ko kayo!

Tuluyan na nga akong umalis sa bahay na yon.

Nasaktan lang talaga ako sa mga pangyayari kanina. Nasaktan talaga ako nang sobra. Ayoko nang mabuhay pa .

Lumipas ang mga araw mula nung lumayas ako sa amin. Nakikitira lang ako sa bahay ni Tekla. Malapit sa barangay namin.

Nakakaramdam ako ng konsensya sa twing naaalala ko yung mga pangyayaring yun.

Nagtratrabaho parin ako kay Diday gabi gabi. Napagdesisyunan ko na rin na huminto sa pag aaral.

Eto ako ngayon sa sala. Namamahinga habang nanonood ng tv, nang biglang pumasok si Tekla.

“Rachel!! May dapat kang malaman!!”

Makikita mo sa mukha nya ang sobrang pagaalala. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Bakit? Anong meron?? Ma- may masa- masama b-bang nangyari??”

Pautal kong tanong kay Tekla. Kinakabahan ako.

“Nasunog ang bahay nyo kagabi Rachel!”

Napahinto ang paghinga ko nang ilang sandali.

Di ko na namalayang nagtatatakbo na pala ako pauwi samin. Gusto kong makita sila Nanay at Tatay, gusto kong malaman kung okay lang ba sila, kung nakaligtas ba sila kagabi.

Pero..

Huli na pala ako.

Nakita ko si Nanay at Tatay. Nakabalot nang puting tela. at wala nang buhay.

Lumapit sa’kin si Tekla.

“Rachel, nasama sila sa sunog kagabi kasi nasa ikalawang palapag pala ang kwarto nila.. kumalat na kasi ang apoy sa ibabang parte nang bahay nyo kaya di na sila nakalabas..”

At dun. Bumuhos ang mga luha ko. Umiyak ako nang umiyak. Sumigaw ako sa abot nang makakaya ko. Di ko matanggap ang nangyari sa kanilang dalawa. Na ang mga magulang ko. Wala na sila. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Nagsisisi ako dahil naglayas ako at iniwan ko sila. Di ko inakala na hahantong sa ganitong pangyayari ang buhay namin. Isa talaga akong makasalanang tao. Wala na akong karapatang mabuhay pa dito. Sarili kong mga magulang, pinabayaan ko. Wala akong kwenta.. Wala..

~fin

This Short Story is inspired from the song “Royals” by Lorde.

©All Rights Reserved.