And We’ll Never Be Royals

“Rachel, Tara sabay na tayong umuwi. Hatid na kita. “ Pag aaya nang mayaman kong kaklase na si Michee.

“Ah.. Ehh.. Kasi Mich.. Nakaka– “

Di na nya ako pinatapos sa pagsasalita dahil bigla nalang nya akong hinatak papunta sa kotse nya at pinasakay.

Ang swerte talaga nya dahil pinanganak syang mayaman. Hatid sundo lang sya ng Family Driver nila.

“San nga pala yung sa inyo Rachel?”

“Ahh.. Dun nalang ako bababa malapit sa tindahan ni Aling Pasing.” Sagot ko naman sa kanya.

“Oh, Manong Eric! Narinig mo yun ha? Dun nalang daw bababa si Rachel malapit sa tindahan ni Aling Pasing!”

“Yes Mam.”

Kung katulad lang sana kami ng estado nang pamumuhay ni Michee. Di siguro ako nahihirapan nang ganito.

Ako nga pala si Rachel De Guzman. 16 taong gulang. Sa murang edad kong ‘to, Marami na akong naranasan. Ako na kasi ang bumubuhay sa nanay at tatay ko. Kasi simula nung naputulan nang paa yung tatay ko dahil dun sa dati nyang trabaho, Wala nang nagtatrabaho sa pamilya namin. Ang nanay ko kasi, Bulag kaya ako nalang ang nag hanap buhay para sa kanilang dalawa. Ako lang ang nag iisang anak nila kaya ako lang ang nag aalaga at nagpapakain sa kanila. Lahat na nang trabaho sinubukan ko. Mga Iba’t ibang raket nasubukan ko narin. pero napapagod na ko eh. Sabayan mo pa yung point na nag aaral pa ako. Ang sarap na ngang tumigil kaso papagalitan lang ako nang nanay.

“Sige Michee. Salamat sa hatid.” Pasalamat ko kay Michee habang pababa ako sa kotse nila.

“Sus Walang anuman yun Rachel! What are friends for diba? “

Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Habang naglalakad ako pauwi, Nakasalubong ko si Diday. Kilala sya dito samin dahil sa pagiging raketera nya. Dito nga ako palaging lumalapit pag sobrang nagigipit ako.

“Oh, Rachel .. kumusta na? Anong pinagkakaabalahan natin ngayon?” Sabay sindi sa sigarilyo nya.

“Wala nga eh.. Oy Diday, May bago kabang raket ngayon? Isama mo naman ako oh.. ” Pagmamakaawa ko sa kanya. Kailangan ko pa kasing bumili nang gamot para kay tatay kasi nagka trangkaso sya nito lang mga nakaraang araw.

“Mmm.. Oo meron, Isasama ka namin mamayang gabi ha?”

Bigla naman akong nabuhayan nang loob. May panibagong raket na naman ako. At dahil sa sobrang saya ko eh nayakap ko bigla si Diday. Halata naman yung pagkagulat nya sa ginawa ko.

“Oh. Easy lang bata. Ay, Teka muna, wag mong kalimutang mag ayos mamaya ha?”

Mag ayos? Siguro, may mangangailangan nang extra waitress dun sa restaurant na malapit dito kaya kailangang nakaayos. Jackpot!

“Oh sige ba. Anong oras at san tayo magkikita? “

“Dito nalang din tayo magkita. Mga bandang alas 10. Okay ba sayo yun?”

“Oo naman. Kahit anong oras payan pupunta ako. “

Ngumiti nalang din sakin si Diday at nilagpasan na ako. Umuwi na kagad ako nang bahay pagkatapos nun.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sa kwarto na mahimbing na natutulog si Nanay at Tatay. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko sila.

Kung mayaman lang sana kami. Di na siguro kami NAGHIHIRAP nang ganito ngayon.

Pag patak ng alas 10 ng gabi, Nagsimula na akong maglakad papunta sa tagpuan namin ni Diday. Madilim na madilim na nung mga oras na yun. Tulog na yata lahat ng mga tao. Ang dilim dilim. Hanggang sa maaninag ko na si Diday at ang mga kasama nya. Nakita nya ko. Pero, Dali dali naman nya akong hinablot papalayo sa mga kasamahan nya.

“Rachel naman! Diba sabi ko mag ayos ka?”

“Nag ayos naman ako ah? Kita mo nga tong suot ko oh? Pormal! Di tulad nang suot mong halos lumabas na yung kaluluwa..”

“NAKO! RACHEL! Ewan ko sayo!”

Tapos hinila nya naman ako at pinakilala sa isa pa nyang kasamahan.

“Oh , Tekla ayusan mo yan. Nako. Nakakahighblood!” Pagkatapos nun ay iniwan na nya ko sa babaeng to na makapal ang makeup.

“Oh, Diba ikaw si Rachel? Maganda ka pa naman. Siguradong madami kang maloloko ngayong gabi.” Sabay lagay ng pulbo sa mukha ko.

“Huh? Maloloko? Anong ibig mong sabihin?

Di na sya sumagot. Nagpatuloy na sya sa ginagawa nya sa’kin. Masama na talaga ang kutob ko na di na ito tama. Binihisan na nya ako ng damit na kita na halos tong dibdib ko. Di na talaga ‘to tama.

Aalis na sana ako nang biglang may pumigil sa’kin. Tiningnan ko kung sino, Si Diday pala.

“Oh? Ngayon kapa aatras? Malaki kikitain mo dito. “ Pag pipigil nyang sabi.

“Mali tong ginagawa natin Diday!”

“Wala ka pa ngang ginagawa! Nako Rachel! Tandaan mo! Kung di mo to gagawin, Wala kayong kakainin ng pamilya mo bukas! Simple lang naman ang gagawin mo eh! Mag tatawag ako nang costumer , ibibigay ko yun sayo tapos akitin mo, at nakawan mo pagkatapos !

Napatigil ako. Makakaya ko ya ‘tong gawin? Ilegal ‘tong trabahong to.Pero iniisip ko parin sila Nanay at Tatay. Kailangan ko pang bumili nang gamot.

Naghihintay lang ng sagot sakin si Diday.

“Oo na, gagawin ko nayan. “

Pagkalipas nang ilang araw, Masasabi ko talaga na malaki din ang naitulong sakin ng raket ko gabi gabi. Di tulad noon na ngayon, nakakakain na kami tatlong beses sa isang araw.

Pero natigil lahat nang yon nung isang gabi.

Madaling araw na kasi akong nakauwi sa bahay. Di ko inasahang naghihintay pala sakin ang bulag kong Nanay.

“Nay..” Tawag ko sa kanya.

Pero bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Nak.. Bakit yan ang napili mong trabaho? Bakit? “

“Nay.. “

Nangingilid narin ang mga luha sa mata ko. Nalaman na pala ni Nanay ang trabaho ko.

Pilit kong hinahawakan ang mga kamay nya pero inaalis lang nya ito.

Nang bigla nya kong sinampal.

Masakit. Di dahil sa sampal sa pisngi kundi sa puso. Masakit dahil nasampal ka nang ‘yong ina na wala ka namang ibang inisip kundi sila. Na sila ang dahilan ng pagtatrabaho mo ng ilegal. Na sila ang dahilan kung bakit ka nagsisikap nang ganito.

“Nay! Di nyo ba naisip na kayo lang palagi ni Tatay ang iniisip ko? Na namomoblema ako palagi kapag wala tayong makain? Nay naman sana maintindihan nyo ko! Mahal ko lang kayo kaya nakagawa ako ng ganito!”

“Oo, anak! Ikaw nga ang bumubuhay samin ngayon, Patawad dahil imbis na kami nang tatay mo ang naghahanapbuhay para itaguyod ka eh kami na tuloy ang binubuhay mo. Pero Rachel! Di ka namin tinuruan na gumawa nang masama! Oo! Mahirap nga tayo! Wala tayong mga kayamanan katulad nang iba jan pero may dignidad tayo! Anak tandaan mo yan!”

Tuloy tuloy parin ang pag agos nang mga luha sa mga mata ni Nanay. Ganun din ako. Di ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako. Ako payung gumagawa nang paraan, Ako pa yung nagmumukhang may kasalanan.

“Aalis nalang ako dito! Di nyo naman ako maiintindihan! Kayo lang naman ang iniisip ko! Kaya ko yun nagawa! Pero sa tingin nyo ba Masisisi nyo ko? Kung nasa sitwasyon ko kayo. Makakaisip pa kaya kayo nang matino?!”

Ayoko na. Gusto ko nang umalis sa bahay na to. Pagkatapos kong magtrabaho para sa kanila? Ganyan lang ang isusukli nila sa’kin?!

“Anak.. Patawarin mo ang nanay kung napagsalitaan kita.. Kapakanan mo lang—“

“Bahala na nga kayo sa mga buhay nyo! Lecheng buhay naman to ohh! Bakit pa ba naging magulang ko kayo!

Tuluyan na nga akong umalis sa bahay na yon.

Nasaktan lang talaga ako sa mga pangyayari kanina. Nasaktan talaga ako nang sobra. Ayoko nang mabuhay pa .

Lumipas ang mga araw mula nung lumayas ako sa amin. Nakikitira lang ako sa bahay ni Tekla. Malapit sa barangay namin.

Nakakaramdam ako ng konsensya sa twing naaalala ko yung mga pangyayaring yun.

Nagtratrabaho parin ako kay Diday gabi gabi. Napagdesisyunan ko na rin na huminto sa pag aaral.

Eto ako ngayon sa sala. Namamahinga habang nanonood ng tv, nang biglang pumasok si Tekla.

“Rachel!! May dapat kang malaman!!”

Makikita mo sa mukha nya ang sobrang pagaalala. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Bakit? Anong meron?? Ma- may masa- masama b-bang nangyari??”

Pautal kong tanong kay Tekla. Kinakabahan ako.

“Nasunog ang bahay nyo kagabi Rachel!”

Napahinto ang paghinga ko nang ilang sandali.

Di ko na namalayang nagtatatakbo na pala ako pauwi samin. Gusto kong makita sila Nanay at Tatay, gusto kong malaman kung okay lang ba sila, kung nakaligtas ba sila kagabi.

Pero..

Huli na pala ako.

Nakita ko si Nanay at Tatay. Nakabalot nang puting tela. at wala nang buhay.

Lumapit sa’kin si Tekla.

“Rachel, nasama sila sa sunog kagabi kasi nasa ikalawang palapag pala ang kwarto nila.. kumalat na kasi ang apoy sa ibabang parte nang bahay nyo kaya di na sila nakalabas..”

At dun. Bumuhos ang mga luha ko. Umiyak ako nang umiyak. Sumigaw ako sa abot nang makakaya ko. Di ko matanggap ang nangyari sa kanilang dalawa. Na ang mga magulang ko. Wala na sila. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Nagsisisi ako dahil naglayas ako at iniwan ko sila. Di ko inakala na hahantong sa ganitong pangyayari ang buhay namin. Isa talaga akong makasalanang tao. Wala na akong karapatang mabuhay pa dito. Sarili kong mga magulang, pinabayaan ko. Wala akong kwenta.. Wala..

~fin

This Short Story is inspired from the song “Royals” by Lorde.

©All Rights Reserved.

Biktima

Sinaksak.
Sinugatan.
Sinaktan.
Binaon.
Binaon sa limot ang nakaraan.
Nakaraan natin na kung saan,
Ikaw at ako, ako at ikaw lang
Ang tangi nating alam.
Biktima ako ng matatamis mong salita.
Agad namang pinalitan ng balde-baldeng luha.
Ilang pamunas ang nasayang,
Nang dahil lang sa pag-ibig kong sinayang lang
Ilang gabing iniyakan, sa di malamang dahilan
Bigla kang nawala ng di ko namalayan,
Iniwan mo’ko ng walang paalam.

Lumipas ang araw, buwan, at taon.
Akala koy nilimot narin ng kahapon,
Ang isang bagay na akala kong wala ng halaga,
Magkakahalaga pa pala ng makita ulit kita.
Nakita nga kita.
Nakita kita na may kasamang iba.
Pinikit ko ang aking mga mata,
Kasabay ng pagpikit nito ang unti-unting paghina ng aking sistema
Ramdam ko ang sakit.
Sakit na parang paulit-ulit kang sinasaksak at sinasampal sa katotohanang wala na, wala na talagang pag-asa pa.

Pilitin ko mang kalimutan lahat gaya ng dagliang paglimot mo
Di ko magawa dahil nag iwan ka ng alaala sa puso ko.
Alaala nating dalawa na magkasama,
Alaala na bumabalik sa twing nakikita kita.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Mas pipiliin kong landas nati’y di nalang magtagpo.
Pipiliin kong baguhin ang takbo ng aking mundo,
Nang sa ganon, di ako masasaktan ng ganito.

Sinaksak. Sinugatan. Binaon.
BINAON MO sa limot ang matamis nating kahapon.

Na Hopia, COLOMBIAzoned

February 14, 2016

Sakit. Yan yung nararamdaman ko ngayon. I don’t know why the hell I am, doing this to myself. Parang pinaparusahan ko na tong sarili ko sa ginagawa ko. Pero wala e. Kahit ano pang pilit kong ibaling ang atensyon ko sa iba, kahit ano pang gawin kong pag fa-facebook, pag i-insta, pag t-tweet, pang sta-stalk kung ano ng nangyari sa AlDub, Pero I can’t! I cant help myself not to check on my inbox if there’s a message greeting from him.

Oo na. This is all about him. And I feel so stupid ngayon. Pati ba naman dito.. Ughh

giphy

Pero.. kasi..

Hay. Bakit ba kasi di kami nagkaroon ng closure?! Ha?! Eh ako tuloy yung nahihirapan ngayon! Ewan ko sa kanya kung mutual ba din yung nararamdan nya ngayon basta ako, hirap na hirap na’ko promise! Tapos ngayon umaasa pa’ko. Pvta.

Umaasa akong i g-greet nya ako ng “Happy Valentines Day” ngayon. Ang tanga ko lang. Shet.

Bakit ba’ko umaasang magte-text pa sya? Kilala ko naman yun e. Kapag nagkakalabu-an kami, hindi sya ang gumagawa ng move para magkabati kami kundi yung mga kaibigan ko.

Oo nga, mga kaibigan ko nga! Paulit-ulit?! Sila lang naman kumakausap sa kanya na wag akong pakawalan. Alam ko namang hindi nya ko gustong pakawalan e. Pero may pagka mahina yung loob nun. Naiisip ko rin minsan kung bakla ba yun o hindi kasi ang torpe e. Kahit na kami na, nahihiya parin sa’kin. -.-

Ewan ko ba kung bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon. Di nyo naman naitatanong, 2 years na din kami nun. Childhood crush ko kasi yun, magkaklase kami since elementary hanggang sa nag-highschool. Hindi ko naman din alam and never din in my thoughts na may crush din pala sya sa’kin. Corny ba? Haha. Kinda childish yung lovestory namin. Pero oo. Mahigit 5 years ko din syang crush mula nung sinagot ko sya. Grabe yung feels ko at that time nung tinanong nya ko kung pwede ba syang manligaw. Ang ew lang kasi ang babata pa namin nun. Just imagine, a 14 year old boy courting to a 14 year old girl na walang ibang alam kundi mamuhay na kinikilig sa crush nyang almost 5 years tapos hindi pa makapaniwala dahil ang kanyang almost 5-year crush ay sya pang nanligaw sa kanya. E sino ba naman ako para tumanggi diba? Kung pwede nga lang sinagot ko na yun agad e. Haha. Wala ng ligaw-ligaw teh! to think na ang torpe nya, at once in a blue moon lang sya nagkaka guts na kausapin ako. Maiisip mo pa bang pahaba-in ang ligawan process?! HAHAHA Ang baliw lang. Ang bata ko pa kasi nung mga time na yun. Puro uwag na yung laman ng isip ko. XD

At yun na nga, dumaan yung 1st anniversary namin. (Dumaan lang, di man lang nag pose saglit. Haha di, joke lang) Natatawa parin ako hanggang ngayon when I remember the “struggle” kuno that we faced before our anniversary. Yung selos thingy.

Eto nga yun..

Nagselos kasi sya sa isa kong friend na boy. Na kesyo daw, malapit daw kami sa isa’t-isa. Kesyo daw na imbis sya yung palagi kaming magkasama nung friend ko, kesyo daw mukha kaming magsyota nung friend ko. Haha! E di nagtagumpay ako sa plano ko nung mga araw na yun! Hahaha

Yep! It was all my plan then. (Parang wicked witch ang peg. Haha) Pero di ko naman din inasahan yung planong yun no. It was coincidence. E kasi naman tong friend ko, tini-treat nya ‘ko as his little sister. Kaya yun, inaasar nya ko, hinahabol-habol, ganun. Pero kung sa paningin ng ibang tao, sa unang tingin palang kala mo naghaharutan kami. Kaya ayun, nalaman nya yun at aware naman ako na nakikita nya kaming ‘naghaharutan kuno’ kaya nag-go with the flow nalang ako kasi gusto ko syang pagselosin. Gusto kong malaman kung anong magiging reaction nya. Nagbabakasakali akong mawawala ang pagka-torpe nya kung may makikita syang kakompetensya sa’kin.

Pero di ko din inasahan na gagawin din nya yun..

Yung malapit na syang makipag-break sa’kin.

Alam nyo ba kung anong naisip ko nun?

‘Char, at sya pa talagang may ganang mawalan ng gana sa relationship namin ah. Sya pa’tong parang walang pake sa’kin, sya pa tong may guts na ganyanin ako. Edi wow!’

Pero ang amazing lang! Dinedma ko yung feels nayun. Imbes na patulan ko din yung galit nya, eh nagpakumbaba ako. As in pagpakumbaba talaga to the lowest level! Nag explain ako ng boom boom pow! Na ganito kasi yun, ganito kasi yan pero ni text, ni tawag, ni anino di ko nakita at natanggap mula sa kanya.

Dun na nga ako nag break down. (Chos! Break down talaga teh?)

break

Oo. Break down! Ganoin! Eh kasi naman, sino ba namang hindi maiinis kung todo kana explain tapos hindi ka naman pinapaniwalaan?! Kaya yun.. nalaman nyang nag break down ako. Baka nga sigurong nakarinig yun ng balitang mag su-suicide ako pag di nya ko pinansin. Haha Pero like duhhh. Alam ko namang mga kaibigan ko ang may pakana nun kaya kami nagkabati ulit.

At nun namang nag fourth year na kami, dun sya naging slight seryoso.

Oo! Slight lang kasi ramdam mo parin yung hiya nya sa’kin e. Akala ko nga magbabago na sya, magbabago na yung perspective nya sakin simula nung ‘selosan thingy’ nayun pero atleast naman may kaunting progress.

Dumaan din yung 2nd Anniversary namin. Dun ko na realize ang isang importanteng bagay. Gusto ko syang seryosohin. Yun bang forever ang peg? Yun bang nag wi-wish ka na na gusto mong sya na yung pakakasalan mo in the future? Yun bang naiisip mo yung kinabukasan sa piling ng isa’t isa? Yung ganong feels? Eh kasi nung nag fourth year kami, marami akong firsts with him. Marami akong memories sa kanya na first time ko palang nagawa. Gaya nung kiss nya sa sakin sa cheeks, yung nanood kaming dalawa ng sine, yung hinaranahan nya ko sa harap ng mga kaklase namin, yung feeling na pinagsisigawan nya ko sa mga ka close nyang teachers kasi binibiro nadin kami ng mga teachers sa school, yung random hugs na ginagawa nya, yung holding hands na naka intertwined in public..

Naiisip ko din nun eh.

Bakit ngayon lang to nangyari? Bakit ngayon lang namin to nagawa? Nasaan ba to nung bago pang naging kami? Bakit ngayon lang to na ga-graduate na kami ng highschool?!

Pero imbis na magdrama kami dahil sa nalalapit naming pagkakalayo, (Chos na naman) hinayaan na lang namin ang lahat. We just let things fall into places, ni hindi namin inisip na malapit na yung graduation namin.

Then, our graduation happened.
Tears of joy ang makikita sa mga mata namin, lalo na sa kanya. Alam kong masayang masaya syang ga-graduate na kami. After that graduation nag tipon-tipon kami with our classmates sa room namin. We were taking pictures and such. Hugs and dramas are present din kaya di nya maiwasang mapa-hug din ng mahigpit sa’kin.

‘Text-text tayo ha.”

“Oo naman. Ano kaba.”

‘Tatawag ka ha.’

‘Oo nga. Wag OA ha. Di naman ako mangingibang bansa.’

‘We’ll keep in-touch palagi.’

“Oo na, Oo!”

“Ma-mi miss kita”

Those were our last convos in personal na walang halong sakit,walang halong pagdududa, walang halong ka echosan.

Pero ng tumuntong kami ng college. We got busy in our different lives. Even if we were in the same school na pinag-enrollan, wala parin pinagbago if you compare us to LDR couples. Busy sya, busy ako. Wala syang time, mas lalo naman ako. Hindi din nagmamatch ang schedules namin kaya di kami nagkikita. I thought, wala lang ‘to. We will be used to this situation of ours pero akala ko lang pala yun lahat.

Bumalik sya sa dating sya.

Yung lalaking torpe, yung lalaking once in a blue moon lang na nagkakaguts na kausapin ako, yung lalaking mahina ang loob na harapin ako.

Nung una, palagi pa kaming nag te-text sa isat’ isa eh. Communication was there pero ewan ko ba, as weeks passed..

Hindi na sya nagpapa-load.

Months passed..

Once in a month nalang magtext.

And by the end of September..
(Oo. I remembered everything!)

Hindi na talaga sya nagpaparamdam.

Sinubukan ko naman syang i-approach sa twing nakikita ko sya sa school e. Pero sya ‘tong umiiwas talag sakin. Hindi ko alam kung bakit. At sa mga ginagawa nyang yan sakin, hindi nya alam na nasasaktan ako.

Ano pa nga bang magagawa ko diba? 2016 na. Marami nang dumaan, Pasko, New Year, Three Kings, Chinese New Year. Pero wala parin. Wala parin ni anino ng pagkatao nya.

At ngayon na Valentines Day, since 11:04pm na at nagsusulat parin ako dito, umaasa akong magte-text sya.

Kaso parang hopia ako today. Haha! (Palagi naman e. Para namang hindi ako sanay.) Na COLOMBIAzoned na naman ako teh! Pano ba yan? Hahaha. Hayaan mo na.

white

At gusto ko lang din naman sabihin na ngayong buwan din kami magcecelebrate dapat ng 3rd Anniversary namin. Ngayong February 28. At hindi ko alam kung anong mangyayari sa araw na yan. Ayoko ng umasa, baka ma hopia ulit ako.

Pero eto na nga, alam ko namang wala na eh. Di na talaga mababalik yung dating ‘kami’ And I know na this will take time. My heart will take time to heal. And to move on.

Siguro, hindi pa talaga sya ang nararapat sakin. Hindi pa sya ang destined for me. Kasi umasa akong sya na talaga. Umasa akong he will be my first and last, umasa akong pangmatagalan na kami. I will better wait for the right time siguro, for the right man. Maghihintay ako for my one and only. Yung hindi ako sasaktan, at hindi ako iiwan. Kasi good things come to those who patiently wait.

done