Biktima

Sinaksak.
Sinugatan.
Sinaktan.
Binaon.
Binaon sa limot ang nakaraan.
Nakaraan natin na kung saan,
Ikaw at ako, ako at ikaw lang
Ang tangi nating alam.
Biktima ako ng matatamis mong salita.
Agad namang pinalitan ng balde-baldeng luha.
Ilang pamunas ang nasayang,
Nang dahil lang sa pag-ibig kong sinayang lang
Ilang gabing iniyakan, sa di malamang dahilan
Bigla kang nawala ng di ko namalayan,
Iniwan mo’ko ng walang paalam.

Lumipas ang araw, buwan, at taon.
Akala koy nilimot narin ng kahapon,
Ang isang bagay na akala kong wala ng halaga,
Magkakahalaga pa pala ng makita ulit kita.
Nakita nga kita.
Nakita kita na may kasamang iba.
Pinikit ko ang aking mga mata,
Kasabay ng pagpikit nito ang unti-unting paghina ng aking sistema
Ramdam ko ang sakit.
Sakit na parang paulit-ulit kang sinasaksak at sinasampal sa katotohanang wala na, wala na talagang pag-asa pa.

Pilitin ko mang kalimutan lahat gaya ng dagliang paglimot mo
Di ko magawa dahil nag iwan ka ng alaala sa puso ko.
Alaala nating dalawa na magkasama,
Alaala na bumabalik sa twing nakikita kita.
Kung maibabalik ko lang ang panahon,
Mas pipiliin kong landas nati’y di nalang magtagpo.
Pipiliin kong baguhin ang takbo ng aking mundo,
Nang sa ganon, di ako masasaktan ng ganito.

Sinaksak. Sinugatan. Binaon.
BINAON MO sa limot ang matamis nating kahapon.

TOTGA Series: An Open Letter To The One I Once Called “Mine”

β€œSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.”
― Scott Neustadter, (500) Days of Summer: The Shooting Script

May 17, 2016

10:04 pm

Limang buwan. Limang buwan na pala ang nakaraan nung bigla kang nawala. Oo, nawala. Biglaan. Di ko alam kung kailan, bakit, pano. Nawala ka nalang ng parang bula. Ni anino o presensya mo di ko nahagilap at nakita. Nung mga panahong iyon, nagsimula akong magtanong saking sarili, Bakit? May nagawa ba kong mali? May nagawa ba’kong di mo nagustuhan? Maraming tanong ang pumasok saking isipan na mas lalong nakapagpagulo sa tahimik kong puso. Mga tanong na mahirap hanapan ng mga kasagutan, mga tanong na gumugulo sa isipan kong nagsisimula nang mahirapan.

Limang buwan. Limang buwan na din ang nasayang. Nasayang dahil sa bigla mong paglisan. Di mo man lang nasaksihan ang mga pangyayari sa buhay ko na sanay dapat kasama kita. Di mo man lang nasaksihan yung mga masasakit at masasayang araw na lumipas na sanay nasa tabi kita. Alam mo bang araw-araw, araw-araw pinagdadasal ko sa na sana.. sana bumalik ka na. Tayo. Yung “dating” tayo.

Lumipas din ang limang buwan na yon. Hiniling ko na sana, kasabay ng paglipas ng mga araw at buwan, ay ang paglipas ng nararamdaman ko para sayo. Pero hindi pala yun ganun kadali katulad ng pag iwan mo. Hindi pala ganun kadali bitawan ang lahat-lahat ng mga bagay na pilit mong iningatan noon na baka mawala sa’yo tapos ngayon, nawala nalang bigla ng hindi mo namalayan. Hindi pala talaga ganun kadali. πŸ’”

Pero bakit ikaw? Bakit ikaw nagawa mo yun ng ganun-ganun lang? Na para bang wala kang inisip kung anong magiging kahahantungan ng mga desisyon mo. Di mo man lang inisip kung anong magiging reaksyon ko. Kung ano ang magiging epekto nito sakin. Akala ko ba mahal mo ‘ko? Akala ko ba, “Ikaw. Ako. Hanggang sa dulo?” Akala ko ba, di mo ko iiwan, di mo ko sasaktan? Tsk. Akala ko nga lang talaga siguro iyon.

Kumusta ka na kaya? Ano na kayang nangyari sayo? Oo, may pake parin ako. May pake parin ako sayo kahit na iniwan mo lang ako sa ere. Alam mo bang di parin ako maka move on sayo hanggang ngayon? πŸ˜” Alam mo bang palagi parin akong nag sta-stalk sa timeline mo? Alam mo bang nasasaktan parin ako? Alam mo bang umaasa parin ako na balikan mo ‘ko? Umaasa pa rin ako! At yan ang masakit dun. Umaasa pa rin ako kahit na alam kong wala na talaga. Wala na talaga akong puwang sa buhay mo. Oo, nakangiti ako sa harap ng ibang tao, para matabunan lang ang lungkot na namamayani sa puso ko, pero di parin nito kayang tabunan ang totoong nararamdaman ko. Ang sakit na dinulot mo. At ang masakit na katotohanang iniwan mo’ko. 😭

Siguro nga, mahal parin kita hanggang ngayon. Siguro nga, di parin nawawala yung puwang mo dito sa puso ko. Ewan ko ba, mahalaga ka parin sakin kahit winasak mo na’ko kasi minsan ka din namang naging parte ng buhay ko.

Hinihintay ko parin yung panahon na bumalik ka. Makausap ka. Kahit di na bumalik yung dating “tayo”, okay lang. Alam ko namang hindi na talaga.

– Self πŸ’”